Dahil Masaydo na akong Madrama

Date

*The Entry to prove na magaling din ako magtagalog and hindi ako bulol.

http://www.whateverlife.com” target=”_blank” alt=”From Whateverlife.com!”>http://img.photobucket.com/albums/v221/ashbernie311/Bre/bre2/qb9.gif” border=”1″ />

Honestly, sobrang na-oa na ako sa sarili ko.

Wala akong ginawa kung hindi tignan ang phone ko every morning and maging sad dahil wala lang.

Sayang naman ang pag download ko ng mga Joel Osteen Podcast araw araw dahil wala lang, di ko lang feel maging happy. Kung meron akong na-realize sa six months ko sa Southville yun ay ang walang makakapagpasaya sayo kung hindi rin ang sarili mo.

Pag umasa ka sa iba, talo ka, dahil ang ibang tao hindi nga nila kaya pasayahian ang sarili nila yung ibang tao pa kaya mapasaya nila.

Lahat ng tao may issues, sabi nga ni John Maxwell, “Remember, everyone you come in contact with is fighting a battle” kaya dapat itigil ko na ang pag-iilusyon ko na ibang tao ang makakapag pasaya sa akin.

Dapat din ata ipaala ko sa sarili ko na ang mga boys na walang direkyson ay yun na: walang direksyon. Ung mga tipong ayaw mag aral dahil wala lang, feeling cute sila.

Hindi na uso ang love lang ngayon.

Another thing I learned: Ang mga lalake egoistic parin. Mag text ka lang feeling na nila hinahabol mo na sila, eh nag reply ka lang naman sa tanong niya. So what’s the point, darling?

At eto pa, aside from Nolan, a guy and girl hindi ba puwedeng maging friends lang? Pag ni-reject ba ang guy eh hindi na puwede maging friends? Dude, you’re like so feeling naman. 😀

I lost my sense of self for awhile (sorry, di ko masabi sa tagalog)

Pero ay nakakapagod to be someone you’re not. Nag feeling Serena Van Woodsen kasi ako for awhile, feeling ko kaya ko to do what she does, pero sorry Blair Waldorf ata ako minus the Chuck part.

I’m a boring girl. I don’t go to clubs every weekend, I go to coffee shops and movie houses. The only time you can drag me out of the house to go to those things is kung birthday ng very special at very dear ko na friend, pero kung hindi, ay magbabasa na lang ako ng Harry Potter for life.

Siguro, part ng quarter life crisis ko ay ang pag accept na hindi ako ganun at ang prince charming ko dapat straight up din. Siguro nga masaydo akong control freak, gusto ko lahat ng bagay naka pattern sa idealisms ko.

Mali man or tama, that’s who I am at this point in time, puwedeng magbago bukas or tonight, but that’s who I am now.

Parang si Kate Bosworth nung na realize niya na over na talaga sila ni Orlando Bloom that’s the time she moved on. Aba, feeling Kate Bosworth na ko. I’ve been to the moon and back, I want to start over.

I guess ang hindi ko talaga ma-accept is the fact that I stepped out of my perfectly planned life and did something totally out of character (again, di ko masabi sa tagalog na ganun din ang impact). Siguro nga obsessive-compulsive talaga ako dahil gusto ko ibalik ang dati and iaayos ang lahat, kaya lang hindi nga ganun yun. Di ko ma explain sa sarili ko na: you live and learn. What happened was a little sacrifice compared to what I got out of it.

Ang point naman talaga ng entry na eto ay eto: PAGOD NA AKONG MAGDRAMA, NAKAKASAWA. OA NA. SOBRA NA. ENOUGH IS ENOUGH.

So i’m grateful, grateful to my friends, my family and my job (yes, i love my rigorous job. i love it more than anything in the world. my job is my boyfriend). I love my officemates na mas lokarete pa sakin.

I’m back to being Carla, the geek, the boring girl but at least I’m happy and content. Matagal na panahon narin ako na hindi na-content so I’m good now. Nakakapagod maging Drama Queen. Please Lang.

http://www.whateverlife.com” target=”_blank” alt=”From Whateverlife.com!”>http://i27.photobucket.com/albums/c172/elusivemoon/New%20Folder/quotebanneromg.jpg” border=”1″ />