Lies that parents tell thier children

Date

  1) Habang hinihintay ang isang mall sa Pasig magopen,walang tigil na tinatanong ng dalawang batang babae ang kanilang mom kung bakit hindi pa open ang mall, eh nakatayo na ang guard sa loob.
      Ang sagot ng mommy, “Eh kasi nagppray pa sila”. Well, tama siya doon, kaya lang tinanong ng anak na babae 1 kung ano ang pinipray nila. Ang sagot: “Angel of God”
    Ay naku mader, tama ba iyan, matutulog ba ulit bago mag bukas ang mall?

2) Pag di mapakali ang bata o umiiyak ang favorite line ng mga pinoy ay:
     “Sige ka, pag hindi ka tumahimik, kukunin ka ng:
      A) Guard
      B)Mamang Pulis
      C) Basta Mama period

    Kaya tuloy lahat ng “mama” masama. Walang kaalamalam ang “Mamang Guard” sa Jollibee na siya na ang Public Enemy One dahil lang katabi siya ni Jollibee.

3) Para yumaman, ang best profession ay:
   A) Maging  Sex Bomb Dancer
   B) Sumali sa lahat ng Search… Search for a Star, Search for the next Star… Basta pag may nakalagay na search o quest okay na.

4) Pag uminom ka ng “CUK” di ka na tatangkad. Pag di ka natulog sa hapon di ka lalakas tulad ni Lastikman (???)

at ang favorite kong “lie”…

5) Ang tunay na ligaya sa buhay ay makikita sa kaloban ng tao at hindi sa labas na kaanyoan. Ang favorite superhero ng bayan ngayon at basic example ng theory nila na eto si:

KOKEY.